
The following terminologies below are undeniably some of the Filipino words that are not used in conversations or are left forgotten.
Bongosia, A. R., Bool, J. R., Buñales, J. K., Cabañero, J. M., and Cascayan, Z. G.,

- Durungawan- bintana; isang pagbubukas; bintana
Halimbawa: Binuksan niya ang durungawan ng kanyang bahay para makapasok ang hangin.

- Salipawpaw- transportasyon sa himpapawid; eroplano
Halimbawa: Huling sakay ko ng salipawpaw ay noong taong 2010 pa. urungawan- window; window shalt; an opening; a window

- Salumpuwit- kasangkapan para upuan
Halimbawa : Iisa na lamang ang natitirang salumpuwit sa silid-aralan.

- Katipan – kasintahan; nobya/nobyo
Halimbawa: Nagdagsaan ang mga magkatipan sa parke noong nakaraang Araw ng mga Puso.

- Payneta- Suklay na ginagamit sa buhok
Halimbawa: Nalaman ko na lamang na naiwan ni Maria ang kanyang payneta na hihiramin ko sana.

- Pang-ulong hatinig- Isang kagamitan na nagbibigay ng mga tunog gamit ang iba’t ibang device.
Halimbawa: Dumaan ako sa mall at nakita ang isang pang-ulong hatinig na mura.

- Sambat- kasangkapan sa pag-kain kasama ng kutsara.
Halimbawa: Isang paniniwala na kapag nahulog mo ang iyong sambat ay may darating na bisita.

- Awanggan- walang hanggan; walang katapusan
Halimbawa: Ang pagtatapos ni Leo sa kolehiyo ay isang awanggang tagumpay para sakanyang pamilya.

Photo: Classical Philippine Radio – WordPress.com
Text: Bool, J. R.
- Kundiman- katutubong awitin
Halimbawa: Pinapalitan na ng mga modernong musika ang nakasanayang kundiman.

Photo background: WallpapersCraft
Text: Bool, J. R.
- Balarila- tumutukoy sa gramatika
Halimbawa: Nakatulong ang pag-aaral ni Athena ng Linguistics para mapanatili ang kahusayan niya sa tamang balarila.